While I am finding some pictures to post in LookBook, I found some old photos.. of us... napapangiti ako kasi ang saya saya pala lagi namin dati. Walang kapagurang kalokohan, paghaharutan... at kung ano ano pa. nakakamiss pala yun. Habang tinitingnan ko yung mga pictures.... hindi ko mapigilang tumawa, ngumiti, at malungkot.
Masasabi mo na lang "Parang kelan lang..."
Nakakamiss pala yung mga araw na .... parang walang bukas kung magtawanan, halos di na natapos ang paglalakad at pagsakay ng jeep para lang gumala, at makadiscover ng bagong lugar. Ngayon? Siguro.... masasabi kong tapos na yung mga panahong yun, nasa stage na kami na, .. hindi ko alam.
Siguro, maiisip mong nageemo na ko ngayon, Hindi!
Gusto ko lang ipaalam na... ang tagal na pala namin. Ang tagal na pala naming nakatira sa buhay ng isa't isa. Marami na kaming napagdaanan, maraming iniyakan, pinakatampuhan, pinagtawanan, pinagasaran at kung ano pa.
with my younger sister |
Namimiss ko lang yung panahong to'
kasi ngayon... Nagsisimula na kaming buoin ang mga pangarap namin, Hindi naman maiiwasang minsan sa buahy natin kelangan natin bawasan ang attachment sa isang bagay.
Siya, magOOJT na siya, ako? Nagaaral padin at next year ako naman yung OJT.
Mawawalan ng oras? Siguro..Oo... Hindi... Yata
Wala namang constant sa mundo... bukod sa mga litartong nanatiling nasayo, nakapost sa facebook, naka-status sa twitter, pwedeng ireblog sa tunblr, pwedeng iheart sa Instagram at yung mga material na bagay na hindi mawawala at laging magpapaalala ng mga bagay na minsan sa buhay namin... naging masaya kaming magkasama.
At ang pinakanamimiss ko... yung siya pa yung nagsulat ng pangalan ko... na ang nakalagay ay ang Epilyedo niya,
Ang pinaka-pinaka namimiss ko ay ang taong nasa isip ko
mula sa simula hanggang matapos
ang sinusulat kong ito.