Kung ayaw mong samain sa karelasyon mo (to be specific and girlfriend mo), wag mong gagawin ang mga sumusunod.
(Paalala: Wala akong pinaghuhugutan. Mahilig lang akong magobserba)
- Wag kang maging manhid, lalo na pag may gustong sabihin ang isang babae na hirap na hirap siyang sabihin, tulungan mo na kung alam mo naman kung ano ang sasabihin niya dahil halata naman.
- Iwasan ang pakikipaglapit sa babae kahit sabihin mong kaibigan mo yun... madaling magselos ang mga babae, it's either iiwas ka o magkakaroon ng World War 3.
- Text ka ng text pag magkasama kayo. Wrong move yun. Lalo na pag may sinasabi siya sayo, tingnan lang natin kung pansinin ka pa niya at ang malala pa nun kukuhanin ang phone mo, itetext ang katext mo ng masamang mga salita pero kung martyr at mabait ang girlfriend mo, mas matakot ka. Lagot ka pag napuno siya.
- Habang nasa relasyon ka, iwasan ang pakikipag picturan (lalo na't babae ang kasama mo) na para mong sinasabing "Oh yeah! I'm single and you know it". Jealous Girlfriends can turn like a monster.
- Late!!! Lalo na kung ikaw ang nagset ng oras. Dapat kang magkaroon ng matindi at kantanggap tanggap na rason para matuwid ang pagkakamali mo pero kung ang karelasyon mo ay isang understanding na babae, Your so LUCKY! Ikaw ay pinagpala!
- Never Flirt! Like duhhh~ obvious naman diba na bawal to'.
- Sa oras na magkasama kayo at may dumating na mga kaibigan mo, never forget na kasama mo ang girlfiriend mo. Nakakababa yun ng pagkatao lalo na kung wala naman siyang kaclose sa mga friends mo na pwedeng sumalo sa kahihiyan na nangyayari sakanya.
- Tigilan ang kakabuntot lalo na pag "THE RED FLAG is on" isang maling gawain ang asarin siya pag meron siya, magasawang sampal at sabunot ang matitikman mo.
Marami pa yan pero It's for me to know and for you to find out!
So guys and bros please make us happy at kung nagtatampo kami please make lambing lambing to us! hindi yung kung makatalak ka din e' wagas!
<3
Hindi ako manhater ha!
akala niyo naman diyan! Mahal ko ang mga lalaki, dahil sila ay yummy! este dahil sila ang dahilan kung bakit nakakabuo ng baby at nagiging masaya ang pamilya! (konektado naman db?)
To all Male species that makes girls cry I will raise my middle finger for you!
Thank you ^____^
Ciao!!