The Boy in Red
Sa kadahilanang na- overwhelmed siya sa picture na ito, napagdesisyonan kong ipost ito. Sabi ko nga diba ipopost ko ang mga kasiyahan ko... Itong lalaking ito ang malaking bahagi ng kasiyahan ko. Kahit minsan nakakinis siya, nakaksusot siya, sarap niyang tirisin... hindi niya ko binibigong lagyan ng ngiti sa labi kahit sa simpleng bagay.
Isa siyang inspiring na tao, hindi mo aakalain sa simpleng sitwasyon may makukuha kang leksyon mula sakanya. Isa yun sa mga bagay na gusto ko sakanya.
Lahat ng babae gusto maramdamang mahalaga sila, at ako naramdaman ko na yun, pag kasama ko siya. Sa simpleng linya na "Gusto kong malaman nila na akin ka" nakakilig! kulang na lang tumalon ako kaso nakakahiya, daming tao noon. Sino nga bang ayaw kiligin di ba? Corny mang pakinggan minsan, hindi mo padin maiiwasan maramdaman ang kilig.
Sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan, sa mga panahong kelangan mo ng kaibigan... may isang taong hindi bumigong samahan ako sa nararansan ko malungkot man o masaya.
Kaibigan? Partner in crime? Bestfriend? KaRelationship Status sa facebook? Autoliker ng mga post ko sa facebook man o sa Instagram? Boyfriend? Marami pa siyang ginagampanan sa buhay ko at nagpapasalamat ako dahil dun. Kaya nga mahal na mahal ko siya!
Pag nakahanap ka ng ganitong lalaki, tanga at lukaret kana kung papakawalan mo pa siya.
Hindi man malateleserye ang kwento, basta happy ending! solve na ko!.
Hindi man perpekto yung relasyon namin dahil minsan may tampuhan na madalas...Oopsss lagi palang ako ang dahilan dahil dinaig ko pa ang naglilihi sa mood swings at sa daming gusto. Kahit nagseselos ako ng matindi na gusto ko ng manakal iniintindi parin niya ko. Kahit baliw baliwan lagi ang peg ko, lagi siyang andyan para sabayan ang trip ko. Hindi ako kinukulit pag alam niyang kelangan ko ng oras para ikalma ang sarili ko. Nasunod sa mga gusto ko, pero hindi niya kinakalimutang gawin din ang mga tamang gawin at makakabuti sakin kahit minsan pasaway ako, nilalabag ko siya. Sa lahat lahat ng Up and Downs namin, nanatili padin kaming magkasama... ako lang naman yung mahina, kaya nga bagay kami kasi sakanya ako kakapit pag nahihirapan na ko.
Hindi kabaklaan ang pagiyak ng isang lalaki. Isa iyong indikasyon na matapang sila na ipahayag ang nararamdaman nila. Hindi sila naging duwag at naging manloloko na harapin ang katotohanang nasasaktan din sila. Mula sa puso kong nagmamahal sayo ng todo todo at wagas na wagas, masaya akong hindi ka naging duwag na umiyak para sakin. Yung luha mo... ang ebidensyang mahalaga ako at mahal mo ko. Hindi man ako ang pinakamagandang babae sa paningin ng ibang tao, alam ko namang may taong alam ang kahalagahan ko.
Mark Joseph Basco! Milyon Milyon man ang lalaki sa mundo, walang papantay sa pinaramdam mo sakin. Walang lalaki ang makakahigit pa sayo.
Mula sa puso kong kasing ganda ko, Mahal na mahal kita! <3 <3 <3
POWWWEERRRR HUGGGGG&KISSSSS :")